Powered By Blogger

Friday, September 28, 2012

Paano kung Ako nalang Si Boy Pick-up?


Pick-up lines, isang makabagong uri ng tula na kung saan ginagamitan din mga malalim na pag-iisip. Kung iyong susuriin ay halos walang ka-seryusohan kung ito’y  iyong iintindihin. Pero tanong: Saan at Paano nga ba nagsimula ang pick-up line?

Ayon sa pagkakatanda ko ,  ang pick-up lines ay nagsimula sa tawag na “banat” sa katulad na paraan ng karoon din ng innovation ditto. Tingnan nyu naman galling saa isang banat at ngayon
Pick-up lines na.

Maraming espikolasyon kung paano nagsimula ang sining na ito. Merong nagsasabi na “dahil daw ito sa mga pang-bobola ng mga lalaki sa kanilang nililigawan, ay naku kawawang mga dalaga nadala lang sa pangbobola.

Pero tanong kahit ganun, bakit nasali ang Pick-up lines sa kultura ng Pilipino, diba dati meron tayong “jejemonz” pero bakit ito yung uso na mas tinangkilik ng mga tao? Oo, tama isang kasiyahan. Ikaw ba naman mag-pick up na halos 7 kilometro ang layo sa katotohanan na kilala sa tawag na “waley” sinong hindi matatawa kung iniisip kung saan at paano nya yun kinonekta. Pero kapag saktong sakto at may dating ang Pick-up ay sasabayan ng malakas na “BOOM!!”  na animo’y may nabundol na malaking bagay na nagsimula na lumikha ng isang tunog.

Ang pick-up lines ngayon ay ihinahalintulad sa isang sining na kung saan ginagamit ng isang indibidual ang kanyang abilidad na mag-isip ng bagay na mai-uugnay nya sa isang tao. Akalain mo yun?, kailangan mo palang mag-isip ng pick-up sa loob ng 1-3 minuto upang hindi ka ma-waley.


Oo, aaminin ko sainyo gumamit din ako ng Pick-up lines upang mag-pakilig, mang-inis, at magpatawa. Pero ilang beses na akong na-Waley. Naalala ko Tuloy ang Icon ng Pick-up lines na si “Boy Pick-up”, sa segment ng Bubble Gang una kong nakita si Boy Pick-up sa kataohan ni Ogie Alcasid. Oo, malalayu ang mga sagot ni Boy Pick-up sa mga pick-up nya. Waley ngang masasabi pero nagdududlot ng  kasiyahan sa mga manood. Nakakatawa kung anung  klaseng pick-up bay un, pero matatawa ka kasi kung gaano sya kalayo sa katotohanan ganun sya nagiging mas nakakatawa.

Ang “pick-up lines” ay isang magandang libangan lalo na sa mga taong matatalino, gaya nating mga Pilipino na halos mataas ang lebel ng ating pag-iisip kumpara sa ibang lahi. Oo, maraming daguk ang dumating saating buhay sa kabila ng mga unos at mga hinagpis, nagagawa parin ni Juan dela Cruz ang tumawa. Natural sa mga Pilipino ang maging masiyahin sa gitna ng mga problema, ang importante ay yung hindi natin paglimut sa ating mga limitasyon.

Pick-up lines, isang maihahalintulad na sining, na kung saan malaking kaligayahan ang pwedeng iparating satin,nalikha ang Pick-up lines upang maghatid ng kaligayahan sa sinumang taong makaririnig at mapipick-upan nito.

 Kaya bigla ko tuloy naisip:
 “Kung ako nalang kaya si Boy Pick-up, na sa bawat Pick-up lines ko, BOOM! man yan o Waley, ang importante naka-pasaya ako ng tao”.

Kung ako nalang kaya ang taong Tsimosa/Tsimoso?


Normal nating marinig sa mga taong  naghahambing ng kanyang sariling kakayahan at pananaw ang karaniwang mariringan natin ng mga katagang “Kung ako nalang kaya?”.

Oo, minsan ay nabobobo din naman ang bawat isa sa atin sa mga di ina-asahan na problema, halimbawa akala mo ay tapos na ang isang bagay pero akala mo lang pala. Akala mo hindi mo magagawa, pero nagawa mo naman. Yung mga ganung pagkakataon na kung saan isang kahinaan natin na pwedeng ihambing sa tinatawag na “ETC”, na ang kahulogan ay 
End OF Thinking Capacity.

Bilang tao hindi tayo identical magka-kapareho sabi nga sa Psychology individual differences. So hindi pala tayo pweding maghambing ng isang bagay, kasi nga may tinatawag tayung pagkakaiba.
Pero ito ang tanung bakit halos karamihan sa mga tao ngayun ay napapadalas sa pangingialam ng may buhay sa may buhay? Bakit ? kung hindi kaba mangingialam mamamatay ka bukas? Hindi naman diba? Kultura sigurong masasabi at impluwensya ng kapaligiran.

Oo, masaya tayong pag-usapan ang problema ng ating mga kapitbahay, kaya nga nagkakaroon ng trabaho ang mga Barangay Pulis at si Barangay Captain diba? Pero tanung saan at paano  ba ito nagsimula? Syempre kay aling Corazon#  na walang humpay sa pag-putak ng mala-armalyt nyang bunganga.
Hay naku, sawang sawa na akong maka-kita ng mga Drama na palagi kong nakikita sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos, walang araw ang hindi ako naiingayan sa mga tilamsik ng mga walang humpay na dila nila, na halos Alarm Clock ko na nga sa pagka-umaga.

Pero tanong ko bakit kaya may mga taong di mapigil ang dila sa kakaputak, halos wala na ngang kwenta ang iba parang just for fun lang na pagusapan ang buhay at problema ng iba. Gaano kasaya ang makarinig ka ng ingay sa umaga?, gaano kasaya ang maka-kita ka ng Action Film kapag umaga? Siguro kaya dumadami ang mga magagaling na Director sa mga panahon na ito, kasi nakakarelate sila sa mga pangyayari sa buhay ng ibang tao. Pero ito taning ko, m’eron nabang Director ang gumawa ng sariling pelikula na original true copy  ng buhay at katarantaduhan nila? Kung meron man manonood ako for sure.
Maraming mga buhay ang nasisira sa mga gawaing ganyan, mas nasisiyahan pa silang pag-usapan ang problema ng iba kisa ikwento ang sariling baho, sabagay sino ba namang kayang ikwento ang sariling pagkakamali sa iba, parang nirururmihan mo lang ang sarili mong damit na hindi na pwedeng malambahan, at kung pwede naman hindi na sya ganun kalinis. Hay naku tao talaga.

Kaya ito mga taong katulad ni Aling Corazon  sa tingin mo sa ginagawa mo may maganda kayng maidudulot iyon? Pero kung ito gagawin mo hahanga ako sayo. Ito gawin mo: “ Sa halip na ikwento sa iba o pag-tsismisan ang buhay ng iba, bakit hindi yung sarili mong problema ang i-tsimis mo sa iba?”  

Masasabi mo kayang “Kung i-tsimis ko kaya sa iba ang sarili kong baho at problema?” 
 Sabay sabing: “Kung ako nalang kaya.?”