Normal nating marinig sa mga taong naghahambing ng kanyang sariling kakayahan at
pananaw ang karaniwang mariringan natin ng mga katagang “Kung ako nalang kaya?”.
Oo, minsan ay nabobobo din naman ang bawat isa sa atin sa
mga di ina-asahan na problema, halimbawa akala mo ay tapos na ang isang bagay
pero akala mo lang pala. Akala mo hindi mo magagawa, pero nagawa mo naman. Yung
mga ganung pagkakataon na kung saan isang kahinaan natin na pwedeng ihambing sa
tinatawag na “ETC”, na ang kahulogan ay
End OF Thinking Capacity.
Bilang tao hindi tayo identical
magka-kapareho sabi nga sa Psychology individual differences. So hindi pala tayo pweding maghambing ng isang bagay, kasi nga
may tinatawag tayung pagkakaiba.
Pero ito ang tanung bakit halos karamihan sa mga tao ngayun
ay napapadalas sa pangingialam ng may buhay sa may buhay? Bakit ? kung hindi
kaba mangingialam mamamatay ka bukas? Hindi naman diba? Kultura sigurong
masasabi at impluwensya ng kapaligiran.
Oo, masaya tayong pag-usapan ang problema ng ating mga
kapitbahay, kaya nga nagkakaroon ng trabaho ang mga Barangay Pulis at si
Barangay Captain diba? Pero tanung saan
at paano ba ito nagsimula? Syempre
kay aling Corazon# na walang humpay sa pag-putak ng mala-armalyt
nyang bunganga.
Hay naku, sawang sawa na akong maka-kita ng mga Drama na
palagi kong nakikita sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos, walang araw ang
hindi ako naiingayan sa mga tilamsik ng mga walang humpay na dila nila, na
halos Alarm Clock ko na nga sa pagka-umaga.
Pero tanong ko bakit kaya may mga taong di mapigil ang dila
sa kakaputak, halos wala na ngang kwenta ang iba parang just for fun lang na pagusapan ang buhay at problema ng iba. Gaano
kasaya ang makarinig ka ng ingay sa umaga?, gaano kasaya ang maka-kita ka ng
Action Film kapag umaga? Siguro kaya dumadami ang mga magagaling na Director sa
mga panahon na ito, kasi nakakarelate sila sa mga pangyayari sa buhay ng ibang
tao. Pero ito taning ko, m’eron nabang Director ang gumawa ng sariling pelikula
na original true copy ng buhay at katarantaduhan nila? Kung meron
man manonood ako for sure.
Maraming mga buhay ang nasisira sa mga gawaing ganyan, mas
nasisiyahan pa silang pag-usapan ang problema ng iba kisa ikwento ang sariling
baho, sabagay sino ba namang kayang ikwento ang sariling pagkakamali sa iba,
parang nirururmihan mo lang ang sarili mong damit na hindi na pwedeng
malambahan, at kung pwede naman hindi na sya ganun kalinis. Hay naku tao
talaga.
Kaya ito mga taong katulad ni Aling Corazon sa tingin mo sa
ginagawa mo may maganda kayng maidudulot iyon? Pero kung ito gagawin mo hahanga
ako sayo. Ito gawin mo: “ Sa halip na
ikwento sa iba o pag-tsismisan ang buhay ng iba, bakit hindi yung sarili mong
problema ang i-tsimis mo sa iba?”
Masasabi
mo kayang “Kung i-tsimis ko kaya sa iba ang sarili kong baho at problema?”
Sabay sabing: “Kung ako nalang kaya.?”

No comments:
Post a Comment